Dinagat Port (Escolata) Dinagat Island

PHBus Travel Philippines

      One Way

      Dinagat Port (Escolata) Dinagat Island

      Dinagat Port (Escolata) Dinagat Island

      DAYUHIN NATIN ANG DINAGAT!

      Sikat sa mga ‘travel and tours’ at mga biyahero ang naggagandahang lugar sa Dinagat Islands na sinamahan pa ng taguri dito bilang “Home of the Friendliest Filipinos.”

      Maayos at bago na ang puerto ng Dinagat matapos ang ginawang rehabilitasyon nito. Mabilis na nakumpleto ang konstruksyon ng Causeway, Reinforced Concrete (RC) Pier, at Back-up Area nito.

      Dahil dito, tiyak na mas magiging accessible na ito para sa mga turista, at malaki ang maitutulong nito sa komersiyo para sa lokal na pamumuhay sa lugar.

      Ang development project ng Dinagat Port ay bahagi ng mas pinaigting na “Build, Build, Build” program ng administrasyong Duterte para sa mas kumportableng pamumuhay ng mga Pilipino.

      Kasama ng DOTr ang PPA PMO Surigao sa Escolta Port Development Project na ito at sa iba pang proyektong pampantalan sa Dinagat Island gaya ng Loreto Port Development Project. Ang parehong proyekto ay naibigay na sa pangangalaga ng Local Government bago natapos ang taong 2019.